Alinsunod sa
itinakda ng Proklamasyon B1g. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan
ng Wika tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) na may paksang "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng
Pagka-Filipino."
Layunin ng
pagdiriwang ang mga sumusunod:
- · maisakatuparan ang mga tungkulin ng KWF ayon sa itinakda ng Seksiyon XIV, Letrang L ng Batas Republika 7104;
- · mapalakas lo ang wikang Filipino bilang Wikang pambansa at Wikang panlahat para sa lakas at tatag ng sambayanang Pilipino;
- · magunita ang kasaysayan ng wikang pambansa sa ika-75 taon mula nang ipahayag ang Tagalog bilang batayang wika;
- · maganyak ang mamamayang Pilipino na makilahok sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay sa Filipino; at
- · lalong pasiglahin ang mga paaralan sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Hinati sa
limang (5) paksa ang isang buwang pagdiriwang:
Petsa
|
Paksa
|
Agosto 1-7
|
Pitumpu't limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong
Pilipino
|
Agosto 8-14
|
Filipino at iba pang mga Wika sa Pilipinas: Lakas ng K to 12 at
MTB-MLE
|
Agosto 15-21
|
Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan sa
Kapayapaan
|
Agosto 22-28
|
Wikang Filipino: Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino
|
Agosto 29-31
|
Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas
|
Masayang Magbasa sa Sariling Wika |
Ang mga libraryan at staff na nakasuot ng Filipiniana |
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino. Aprub! |
Comments